Isang petition ang nakapaskil sa Change.org nitong mga nakaraang araw. Ito ay ang nanawagan sa COMELEC na ipatigil ang Presidential Debate sa April 20 na ipapalabas sa ABS-CBN sa tulong ng COMELEC at Manila Bulletin bilang paghahanda sa #Halalan2016. Nakakalungkot ang pangyayaring ito para sa network at sa News Team, lalo na ang ABS-CBN ay nagbalik mula sa pagkakasarado nito noong Martial Law noong 1972 at nagbalik sa 1986 salamat sa EDSA 1986 Revolution na naganap 30 taon ang nakaraan ngayong linggo.
Paniguradong gagawa pa ang hakbang ang ABS-CBN, pati na ang mga anchors at reporters, na sagutin sa mas mabuting paraan ang petisyong ito. At ngayon, para sa inyo mga Kapamilya, nananawagan ako na tulungan natin ang ating News Team. Mas kailangan nila ang ating suporta ngayon.
Ang inyong lingkod ang naging saksi sa kasaysayan ng ABS-CBN, at ng News Team nito, simula noong patapos na ang dekada 1980 hanggang ngayon. Nabasa ko ang simpleng simula ng ABS-CBN News noong 1948 kay James Lindenberg na announcer sa DZBC-AM (ngayon: DZMM-AM). Kinalakihan ko na ang panonood ng mga balita sa TV Patrol. Humahanga ako sa galing at talento ng mga anchors at reporters, at maging off-cam staff (lalo sa mga taga-NewsDotCom) sa mga programa, lalo na sa mga palabas ng ANC (ABS-CBN News Channel) at sa Radyo Patrol (Manila, Palawan, Cebu at Davao). Personal akong naniniwala na karamihan sa kanila ang gumagawa ng kanilang tungkulin na patas at balanse, ayon sa kanilang Ethics Standards (na binalangkas ni Maria Ressa at ipinagpapatuloy ni Ging Reyes).
Ang News Team ay "Dapig sa Kamatuoran ug sa Katawhan"; walang ibang kinikilingan at pinapanigan kung di ang katotohanan; wala silang ibang pinoprotektahan at tinataguyod kung di ang mga mamamayan. Basta katotohanan (at walang kasinungalingan, "hidden agenda, interest or spins" na PR), nandoon sila para alamin ang mas marami pang detalye at anggulo ng bawat kwento at balita.
Noon at ngayon, karangalan pa rin nila ang makapaglingkod sa mamamayan saan man sa kapuluan at sa mundo (basta may Pilipino). Itinataguyod nila ang malasakit sa isa't isa: kung biased sila, saan na ang malasakit sa mas marami pang kababayan na todo-todo ang gutom sa balanse at patas na impormasyon at balitaan?
Sa mga naniniwala hanggang ngayon na biased ang ABS-CBN sa matagal na panahon, wala akong magagawa kung sarado ang isipan ninyo. Ipinagdarasal ko po kayo, na isang araw malaman ninyo na ginagawa ng ABS-CBN, ng News Team, ang lahat para itaguyod ang pagkakaisa ng ating mga kababayan (in the name of #NationBuilding).
Basta para sa akin, at mas nakararami pang mga kababayan sa buong mundo, ang News Team na aking kinalakihan ang siya naming pinaniniwalaan at pinakapinagkakatiwalaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment