Dear Padz,
Kamusta na po kayo? Nawa OK lang po kayo sa tulong ng Diyos. Matagal na po tayong hindi magkita o nag-usap. Sana po ngayong Pasko o bago mag-Pasko magkita na po tayo. I missed the good talks we have-talks about faith and daily life.
Hindi ko alam kung paano ko po ilalarawan sa inyo ang kalagayan ko po. But it seems the job I have now is continuing to sharpen my attributes-both in positive and negative ways. Sa pagtatapos ng kontrata ko next year, titignan ko po kung tama na ang panahong inilagi ko po sa institusyong pinapasukan ko po ngayon.
Pagdating ng Pasko, kadalasan ang iniisip ng karamihan (at aaminin kong ako rin) ay ang wishes, dreams and hopes na inaasahan nating matupad. Just recently, I am getting sense that Christmas is more than fulfillment of hopes. Christmas and even Advent needs people like me to be fulfillment of hope. More than fulfillment of hopes, wishes and dreams, Advent and Christmas is still, like another season of the year, a season for change, for betterment, for keeping of promises, for people to be fulfillment of change and hope.
Iyan po ang mga umiikot sa isip ko nang bisitahin ko ang parol.abs-cbn.com. Hindi lang basta ito ang Christmas site ngayong taon ng ABS-CBN. It's like its citizen campaign Ako Ang Simula for the holiday season. Kadalasang tanong ni Sir Ted Failon sa TV Patrol: Ano ang sisimulan mong pagbabago? Sinagot ko po ang tanong na iyan sa Parol.ABS-CBN.com. Pumili ako ng online parol, at na-type ko doon ang aking pangako/plano/gagawin para sa pagbabago para sa mas ikabubuti ko.
Kayo rin po--pwede ninyo pong isabit ang inyong pangako/plano/gagawin para sa pagbabago sa parol.abs-cbn.com. Pwede rin kayong manghikayat ng mga kaibigan, kakilala, kapamilya, kahit sino pa. Magandang gawain po iyan ngayong Advent, at lalo na ngayong Pasko at kahit patapos ang Pasko.
Talaga pong naenggayo po ako sa misyon ng Parol.ABS-CBN.com. Kung gusto niyo po, pwede ninyo pong basahin ang misyon nito dito:
http://parol.abs-cbn.com/about.aspx
I truly believe in the mission of Parol.ABS-CBN.com just like I believe in the words of the architect of Ako Ang Simula-Ms. Maria Ressa that "Change can actually start within you and me." Advent is really a perfect time to visit and post commitments/pledges for oneself @ Parol.ABS-CBN.com.
Hanggang dito na lamang po ako. Maraming salamat po sa pagbasa ng mensahe ko. Nawa maging mas makabuluhan po ang ating Advent.
Your brother,
Jan
PS: As of 2:30pm 11-29-2010, 440 pa lang ang nag-commit. Nawa po kayo rin. Goal of the site: to reach a record of 1M pledges. (At hindi ko po kalilimutan ang Advent recollection at confession.)
No comments:
Post a Comment